NASAWI ang isang mag live-in partner sa naganap na sunog na sumiklab sa mga kabahayan sa Barangay E. Rodriguez, Quezon City nitong Lunes, Nobyembre 02.
Nakilala ang mga biktima na isang 30 anyos na lalaki at ang kanyang 26 anyos na partner nito.
Ayon sa Quezon City Fire District (QCFD), natagpuan ang bangkay ng lalaki at kanyang kinakasama sa loob ng comfort room ng inuupahan nilang bahay.
Nagsimula ang sunog bago mag-alas-5 ng hapon at umabot sa ikaapat na alarma.
Tuluyan itong naapula bandang alas-10:50 ng gabi.
Tinatayang nasa 120 bahay ang nasunog at 200 pamilya ang nawalan ng tirahan.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.
