Itinalaga si Police Colonel Dexter C. Versola bilang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Provincial Director ng Zambales Police Provincial Office (ZPPO), kapalit ni Police Colonel Benjamin P. Ariola.
Mainit na tinanggap si Versola sa Camp Captain Conrado D. Yap sa Iba, Zambales, kasunod ng kanyang opisyal na pagtatalaga sa pamumuno ng kapulisan sa lalawigan.
Si Versola ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Sambigkis Class of 2003 at may malawak na karanasan sa public information, strategic planning, at police operational management.
Bago ang kanyang pagkakatalaga sa Zambales, nagsilbi rin siya bilang Regional Public Information Officer ng Police Regional Office 3 (PRO3).
Samantala, nagpasalamat ang ZPPO kay Ariola sa kanyang naging serbisyo at pamumuno sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lalawigan.
