TIKLO ang dalawang most wanted persons sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa lalawigan ng Laguna at Cavite noong Lunes.
Kinilala ni CIDG Director, PBGen Romeo M Caramat Jr ang mga suspek na sina Jonathan Laviña Batayon at Adrian Muñoz De Castro.
Inaresto si Batayon ng CIDG Laguna Field Unit bandang ala 9:30 ng umaga sa Brgy.Mayondon sa bayan ng Los Baños dahil sa bisa ng warrant of arrest na may 7 counts na BP22 o Bouncing Checks Law na inisyu ni Hon. Sharon M. Acamada, Presiding Judge of MTCC, Branch 3, Calamba City, Laguna.
Habang si De Castro naman ay nahuli sa Brgy Biga, Tanza, Cavite ng mga operatiba ng CIDG Cavite Field Unit and PMFC-Cavite dahil sa paglabag sa Section 5 of Article II, RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Hon. Amabel Borbe Robles-Buenaluz, Presiding Judge of RTC Branch 20, Imus City, Cavite.
Ang mga suspek ay nasa kostodiya na ng pulisya na kanilang nasasakupan.
