
PINALAWIG hanggang Disyembre 31 ang deadline sa pag -phase out ng mga traditional jeepney sa buong bansa.
Ayon sa LTFRB upang mabigyan pa ng pagkakataon ang mga jeepney driver na makapaghanda sa ikinakasang Public Utility Vehilcle modernization program.
Pinabulaanan naman ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na ang hakbang upang pigilan ang transport group sa kanilang isang linggong tigil pasada simula sa Lunes.
Samanatala, tuloy naman ang tigil pasada ng grupong” Manibela” sa Lunes.
Nasa 40,000 PUVs ang lalahok sa transport holiday na maaaring magparalisa sa Metro Manila.
Matatandaang nakiusap na si Pangulong Bong Bong Marcos na huwag ituloy ang nakaambang tigil-pasada at makikipagusap pa ang gobyerno sa mga transport group.