NAHAHARAP sa 62 counts na kasong money laundering si dating Bamban, Tarlac mayor Alice Guo o Guo Hua Ping at 31 iba pang sangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa kanyang bayan.
Inaprubahan na ng Department of Justice (DOJ) nitong Miyerkules ang pagsasampa ng kaso kay Guo at iba pang sangkot .
Sa isang panayam sa mga mamamahayag, sinabi ng tagapagsalita ng DOJ na si Mico Clavano na ang panel ng mga prosecutor na humahawak sa kaso laban kay Guo ay nagrekomenda ng pagsasampa ng 26 counts ng money laundering sa ilalim ng section 4(a) ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Sinabi ni Clavano na inirekomenda rin ng panel na kasuhan si Guo ng 5counts ng money laundering sa ilalim Section 4(b) on the conversion, transfer, or disposition or movement of monetary instruments found to be illegal proceeds of an unlawful activity.
Inirerekomenda din nito ang pagsasampa ng 31counts ng paglabag sa section 4(b) ng AMLA laban kay Guo at sa kanyang kapwa akusado.
Si Guo at ang kanyang mga kapwa akusado ay nahaharap din sa mga kasong qualified human trafficking nang salakayin noong Hunyo ang isang POGO hub sa Bamban, kung saan nailigtas ang 800 Filipino at dayuhang manggagawa.
