Skip to content
July 21, 2025
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
cropped-cropped-logo.png

Direct from the source

Primary Menu
  • Home
  • Nation
  • Regions
  • Feature
  • Metro
  • Business
  • Entertainment
  • International
  • Healthbits
  • Tourism
Live
  • Home
  • Regions
  • Ambush sa 4 na sundalo sa Mindanao del Sur, paiimbestigahan sa senado
  • Regions

Ambush sa 4 na sundalo sa Mindanao del Sur, paiimbestigahan sa senado

admin April 17, 2024
Jinggoy
Post Views: 258

PINA-IIIMBESTIGAHAN sa Senado ang nangyaring pananambang sa apat na sundalo noong Marso 17 sa Datu Hoffer, Maguindanao del Sur upang suriin ang kasalukuyang estado ng seguridad at kaayusan sa katimugang rehiyon ng bansa.

Sa hiling ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada , “Sa kabila ng paglalaan ng malaking pondo ng gobyerno at pagsusumikap na makamit ang kapayapaan at masolusyunan ang ugat ng rebelyon, maging ang karahasan ng mga extremist groups sa mga nakaraang taon, sa pamamagitan ng whole-of-nation approach, nananatili pa rin ang mga nagbabanta sa seguridad at katiwasayan sa lugar,” sabi ni Estrada, chairperson ng Senate Committee on National Defense and Security.

Bagama’t nakagawa ng mga kahanga-hanga at matagumpay na military operations sa pagbuwag sa mga network ng terorista at extremist groups sa buong bansa, sinabi ng beteranong mambabatas na may mga bago at naglilitawan na grupo mula sa natitirang puwersa na nagiging hamon sa pambansang seguridad.

Sa kanyang inihaing Resolution No. 984, hiniling ni Estrada sa liderato ng Senado na atasan ang nararapat na komite na gampanan ang oversight function ng mataas na kapulungan at suriin ang pagganap ng military at mga ahensyang nagpapatupad ng batas upang matiyak na ang mga hakbang na kinakailangan para masiguro ang kaayusan ng bansa ay naisasakatuparan.

Bilang tagapagtanggol ng mga mamamayan at ng bansa, sinabi ni Estrada na dapat suportahan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpuksa sa mga elementong nasa likod ng terorismo, kaguluhan, karahasan, naghahasik ng takot at nilalagay sa panganib ang publiko.

“Sa harap ng banta ng pagpapatuloy ng mga atake, dapat masiguro sa publiko na ang militar at ang mga tagapagpatupad ng batas ay kontrolado ang sitwasyon. Ang pagpapanatili at pagtataguyod ng pang-matagalang kapayapaan ay pangunahing interes ng Estado dahil ito ay naglalayong makamit ang pangkalahatang pag-unlad at paglago ng ekonomiya,” ani Estrada.

Naka civilian clothing at lulan ng isang sibilyang sasakyan ang apat na biktima ng pag-atake noong Marso 17. Pabalik na ang mga ito sa patrol base pagkatapos bumili ng pagkain para sa “Iftar” para sa Muslim community sa lugar. Sila ay tinambangan habang binabaybay ang Tuayan 1 road sa Datu Hoffer Ampatuan, Maguindanao.

Sa pahayag ni Brig. Gen. Oriel Pangcog, 601st Brigade Commander, pinaghihinalaan na ang lokal na teroristang grupo na Daulah Islamiyah (DI) ang nasa likod ng pag-atake at ito ay bilang paghihiganti diumano sa nakaraang mga military operations kung saan ang ilan sa kanilang mga miyembro at lider ay napatay.

“Ang brutal na insidente na nangyari sa panahon ng pinakamahalaga at sagradong okasyon para sa komunidad ng Islam ay nagpapamalas na hindi pa natin kontrolado ang seguridad sa lugar,” giit ni Estrada.

About the Author

admin

Administrator

Author's website Author's posts

Continue Reading

Previous: Be alarmed, Chinese creeping invasion has begun– Barbers
Next: Nuclear energy, trade in focus: Romualdez-led PH delegation meets with US Rep. Gary Palmer

Related Stories

FB_IMG_1752984745521
  • Regions

Construction worker nanaksak ng kainuman, natimbog ng Batangas Pulis sa loob ng 3- minuto

admin July 20, 2025
ACCIDENT
  • Regions

78-anyos na Koreano patay nang masagasaan habang tumatawid ng kalsada sa Angeles City

admin July 20, 2025
FB_IMG_1752916621095
  • Regions

1kotse, bahay durog nang matabunan ng rumaragasang malaking bato sa Kenon Road

admin July 19, 2025

Archives

Categories

Recent Comments

  1. meaning of allahumma barik laha on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  2. 오피 on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services
  3. togel online on DOST-Cavite brings RxBox to Trece Martires, conducts medical training to enhance the city’s healthcare services

Pages

  • About Us
  • Contact Us
  • Privacy Policy

Search

You may have missed

Screenshot_20250720_195218_Facebook
  • Entertainment
  • Nation

Rep. Khonghun hails Pacquiao as timeless symbol of Filipino strength

admin July 20, 2025
FB_IMG_1752984745521
  • Regions

Construction worker nanaksak ng kainuman, natimbog ng Batangas Pulis sa loob ng 3- minuto

admin July 20, 2025
ACCIDENT
  • Regions

78-anyos na Koreano patay nang masagasaan habang tumatawid ng kalsada sa Angeles City

admin July 20, 2025
20250718-eGovPH-ph2
  • Nation

Ordinary folk thank PBBM for easy access to gov’t services at eGovPH Serbisyo Hub

admin July 19, 2025
  • About Us
  • Privacy Policy
  • Contact Us
  • Facebook
  • Instagram
  • Youtube
  • LinkedIn
©2023 theinsidernews.info / All Rights Reserved. | MoreNews by AF themes.
We use cookies on our website to give you the most relevant experience by remembering your preferences and repeat visits. By clicking “Accept”, you consent to the use of ALL the cookies.
Do not sell my personal information.
Cookie SettingsAccept
Manage consent

Privacy Overview

This website uses cookies to improve your experience while you navigate through the website. Out of these, the cookies that are categorized as necessary are stored on your browser as they are essential for the working of basic functionalities of the website. We also use third-party cookies that help us analyze and understand how you use this website. These cookies will be stored in your browser only with your consent. You also have the option to opt-out of these cookies. But opting out of some of these cookies may affect your browsing experience.
Necessary
Always Enabled
Necessary cookies are absolutely essential for the website to function properly. These cookies ensure basic functionalities and security features of the website, anonymously.
CookieDurationDescription
cookielawinfo-checkbox-analytics11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Analytics".
cookielawinfo-checkbox-functional11 monthsThe cookie is set by GDPR cookie consent to record the user consent for the cookies in the category "Functional".
cookielawinfo-checkbox-necessary11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookies is used to store the user consent for the cookies in the category "Necessary".
cookielawinfo-checkbox-others11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Other.
cookielawinfo-checkbox-performance11 monthsThis cookie is set by GDPR Cookie Consent plugin. The cookie is used to store the user consent for the cookies in the category "Performance".
viewed_cookie_policy11 monthsThe cookie is set by the GDPR Cookie Consent plugin and is used to store whether or not user has consented to the use of cookies. It does not store any personal data.
Functional
Functional cookies help to perform certain functionalities like sharing the content of the website on social media platforms, collect feedbacks, and other third-party features.
Performance
Performance cookies are used to understand and analyze the key performance indexes of the website which helps in delivering a better user experience for the visitors.
Analytics
Analytical cookies are used to understand how visitors interact with the website. These cookies help provide information on metrics the number of visitors, bounce rate, traffic source, etc.
Advertisement
Advertisement cookies are used to provide visitors with relevant ads and marketing campaigns. These cookies track visitors across websites and collect information to provide customized ads.
Others
Other uncategorized cookies are those that are being analyzed and have not been classified into a category as yet.
SAVE & ACCEPT