May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Bagong layang drug suspek itinumba, 2 kasamang babae nadamay

Ni Alex dela Cruz

DEAD on the spot ang isang drug suspek sa loob ng kanyang sasakyan habang sugatan naman ang tatlong  kasamang babae nang paulananito ng bala ng baril sa labas ng convenience store sa Barangay Pansol , Calamba City nitong Huwebes ng gabi.

Nabatid ng mga Calamba Police ang pagkakakilanlan ng biktimang si Jerome Timoteo habang ginagamot naman sa JP Rizal District Hospital ang mga kasama nitong sina Ken  Arvie Libardo at Dayline dela Cruz .

Habang maswerteng hindi natamaan ng bala si Johnsen Cruz , 23 anyos .

Base sa ulat kay Lt.Col.Milany Martinez, Chief of Police ng Calamba City , sakay ang mga biktima ng itim na Hyundai na may plate no.PQY -665 habang naka park ito sa 7/11 convenience store upang bumili ng makakain.Bigla na lamang nagulantang ang mga biktima nang may humintong gray na Suzuki Sedan at bigla silang pinaulanan ng bala banadang alas -11 ng gabi.

Umabot naman sa 44 na bala ng baril ang narekober sa crime scene at anim rito ay deformed bullets.

Tinitingnan ng pulisya  ang anggulong drug related ang pagpapaslang kay Timoteo dahil sa kalalaya lamang nito noong Setyembre 10 mula sa Bureau of Jail  and Penology Management sa Bicutan dahil sa kasong  drugs sa Tondo , Manila.

Napag-alalaman din mga otoridad na tatlong araw nang nanunuluyan ang biktima at mga kasama nito sa isang resort sa Pansol sa Calamba, Laguna.