
GINANAP ang kauna-unahang Basketball Clinic para sa mga kabataang mahilig sa paglalaro ng basketball sa lalawigan ng Laguna na dinaos sa Covered Court ng Barangay Real, Calamba City ngayong Biyernes ng umaga, Marso 21 .
Pinangunahan ang Basketball Clinic ng tumatakbong gobernadora at dating Congesswoman ng 3rd district ng San Pablo City na si Sol Aragones kasama ang kanyang bise-gobernador na si Pewee Perez .

Dinaluhan ng mga panauhing sikat na Basketball player na sina James Yap at Paul Artadi.
Tinuruan nina Yap at Atardi ng tamang hakbang sa paglalaro ng basketball ang mga batang kasali sa basketball clinic upang mailayo ito sa masamang bisyo at maging malakas ang pangangatawan.
Namahagi rin sa mga kalahok ng mga libreng bola ng basketball sina Aragones at Perez na may pirma nina Yap at Artadi .