May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

PERWISYONG BASURA. Sa dami ng basurang itinambak sa isang illegal dumpsite na malalim na bahagi ng Barangay Dolores sa bayan ng Taytay (Rizal), hindi sumapat ang isang linggong clearing operations na isinasagawa ng General Services Office ng pamahalaang bayan ng Taytay.

Ayon sa mga residente ng Sitio Paliparan, matagal na nilang idinadaing sa kanilang barangay ang naturang illegal dumpsites na anila’y pinagtatapunan ng mga basura ng mga pabrika sa mga karatig bayan.

Taong 2021, tatlong open dumpsites din sa Barangay Dolores ang ipinasara ng lokal na pamahalaan.