ISANG bomb threat ang natanggap ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Barangay Ilaya Dupay, lungsod na ito noong Huwebes ng umaga.
Humingi ng tulon ang opisyal ng revenue district na si Emily Singson sa pulisya ng Lucena matapos matanggap ang banta ng bomba mula sa isang hindi kilalang texter na may numerong 09566512179 bandang 9:44 ng umaga.
Nagsagawa ng paneling ang Provincial Explosive and Canine Unit (PECU) sa pamamagitan ng isang K9 dog.
Walang namang natagpuang bomba at idineklara ni Police Master Sgt. Ryan Fulledo, pinuno ng pangkat ng PECU Quezon, na ligtas ang tanggapan bandang 11 ng umaga.
