TINUTUGIS na ng mga otoridad ang suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa isang estudyante na nasa ikatlong baiting na natagpuang patay sa isang masukal na lugar sa Bgy. Santiago 2, San Pablo City, Laguna.
Ang biktima ay nakilalang si Gianni,na 8-taong-gulang na natagpuang duguan at wala nang buhay malapit sa isang kuweba sa Bgy. Santiago 2.
Nagtamo siya ng matinding sugat sa leeg, tiyan, at mga daliri, pati na rin ang mga pinsala sa kanyang tainga kabilang ang ilang bali na tadyang.
Lumalabas sa imbestigasyon na ang batang lalak na nakasuot na ng kanyang uniporme sa paaralan ay naghihintay sa kanyang ama na matapos maligo ng alas-6 ng umaga noong Biyernes nang bigla itong nawala.
Ayon sa pamilya ng bata, inakala nilang nauna na ang bata sa paaralan ngunit naiwan ang kanyang bag.
Gayunpaman, nang dalhin ng ama ang bag sa paaralan, hindi niya natagpuan ang kanyang anak.
Hinanap ng pamilya at ilang iba pang mga taga-nayon ang bata ngunit natagpuan ito bandang alas-11 ng umaga ng parehong araw na duguan at patay sa isang madamong lugar malapit sa isang kuweba ilang metro ang layo mula sa kanyang tahanan.
Humihingi naman ng hustisya ang pamilya ng biktima.
Nag-alok ng P150,000 ang lokal na pamahalaan at ang mga opisyal ng barangay para sa agarang pag-aresto sa pumaslang sa biktima.
