
Ms. Arlette V. Capistrano, AVP for Communication and Stakeholder Management of MPCALA Holdings Inc. awards the title Binibining CALAX to the crowned Bb. Silang 2023 Ms. Jolene Autencio while Ms. Joan Miranda of MPCALA Holdings Inc. poses with the representative of Cluster A Float which bagged the special award – CALAX’ Choice Award during the Grand Float Parade. Cluster A is composed of Barangays Inchican, Carmen, Munting Ilog, Malaking Tatiao, Kaong and Tibig which all worked hand in hand to create a massive float made from sustainable and recycled materials.
LIBO-LIBONG tao ang dumalo sa ika -248 Pista ng Nuestra Señora de Candelaria nitong buwan ng Pebrero sa Silang, Cavite .
Nakiisa sa selebrasyon ang MPCALA Holdings Inc. (MHI) sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga inuming tubig at paghahandog ng papremyo na cash prizes sa mga nanalong kalahok sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng paligsahan sa Grand Float Parade at ‘Binibining Silang’, na siya ring kinilala bilang ‘Binibining CALAX-Silang”.
Ilan sa mga aktibidad ang ginanap sa pista ay ang fireworks display, online raffle, ‘Beki’ boxing competition, palarong Pinoy, pageantry, tree planting, float parade, street dancing, at music festival na dinaluhan ng mga lokal at kilalang performers gaya ng Side A at Mayonnaise.
Sa mga bisitang dumalo sa pista naman ay naglagay ng Easytrip RFID booth para sa libreng Easytrip RFID installation, RFID replacement, at libreng RFID check-up.
Ayon kay Silang Mayor Atty. Kevin Anarna, “We are very thankful for the utmost support of the management of MPCALA Holdings Inc. and to the whole MPTC in supporting this festival and by making our town accessible thru CALAX, which increase tourism, brought new businesses, and generated more jobs to our town,” .
Matatandaang nakikilala ang munisipalidad ng Silang bilang ‘center’ of ornamental plants sa nakalipas na dalawang taon noong panahon ng pandemya dahil sa mayabo nitong kalupaan, maayos na suplay ng tubig, at malamig na klima. Kabilang na din dito ang lugar ng mga healthy food at coffee lovers dahil sa mga nag-uusbungang farm-to-table restaurants at mga instagrammable cafe .
“Silang can always count on MPCALA’s support, especially on promoting sustainable tourism in the town. With our tourism page “Biyaheng South”, we hope to continue working hand-in-hand with the Silang LGU in introducing the town’s growing tourist businesses to more travelers and increasing tourist arrivals via CALAX,” ani Ms. Arlette Capistrano, Assistant Vice President for Communication and Stakeholder Management ng MPCALA Holdings Inc.
Ang “Biyaheng South” ng MHI ay isang award-winning tourism program ng toll road company na aktibo sa iba’t-ibang social channels gaya ng Facebook at Tiktok sa pag promote sa Manila-Cavite Expressway (CAVITEX at CAVITEX C5 Link) at CALAX patungo sa iba’t ibang tourist attraction at activities sa Region IV-A.
Sa ngayon, operational ang CALAX mula sa SLEX Mamplasan sa Binan, hangang sa east portion ng Silang, na nagbibigay ng mas maginhawang daan sa mga Silangueños at mga motorista mula Metro Manila, at nakatutulong sa pagpapausbong ng turismo sa lugar.
Inaaasahan na rin ang nalalapit na pagbubukas ng Silang (Aguinaldo) Interchange ng CALAX, na kokonekta sa Silang portion ng ‘busiest’ highway sa Cavite- ang Aguinaldo Highway.
Inaaasahang magbibigay ito ng karagdagang 70% traffic growth, o mahigit sa 20,000 na average daily traffic na kaginhawahan sa mga motorista.
Sa kabuuan, and CALAX ay may habang 45-kilometro at magkakaroon ng walong interchanges sa Technopark, Laguna Boulevard, Santa Rosa-Tagaytay Road, Silang East, Silang (Aguinaldo), Governor’s Drive, Open Canal, at Kawit Interchange na dudugtong sa 14-kilometrong CAVITEX.
Ang MPTC ay ang toll road development arm ng Metro Pacific Investments Corporation (MPIC). Ito ang pinakamalaking toll road developer at operator sa bansa. Bukod sa CALAX at CAVITEX, hawak rin nito ang concession para sa North Luzon Expressway (NLEX), NLEX Connector Road, Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), at Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX) sa Cebu.