NAGSUMITE si House Deputy Speaker and Las Piñas City lone district Rep. Camille Villar ng kanyang filed certificate of candidacy (COC) ngayong araw ng Biyernes, Oct. 4, sa pagka-senador sa darating na 2025 mid-term elections.
Sa kanyang talumpati sinabi nito:
Why am I running for Senator?
As the only millennial candidate, a Filipino youth, I can contribute towards a new politics in our country.
My values are rooted in the Filipino principles of Sipag (hard work) and Tiyaga (perseverance), which I learned from my parents. Combined with my decades of experience in business and two terms in public service, I believe I can offer fresh perspectives and innovative solutions to help build a brighter future for our generation and those to come.”
Isusulong ko ang mga bagong pananaw at mga makabagong solusyon na natutunan ko sa aking karanasan sa kabila ng aking kabataan.
Narito ang mga malapit sa aking puso:
Makabagong Kabuhayan: Hindi lamang makapagbigay ng trabaho kundi trabahong progresibo na makaaangat sa pamumuhay. Tutulungan kong umasenso ang mga negosyo, bigyan ng mga plataporma amg mga online sellers at mga maliliit na negosyo na nahihirapan dahil sa kakulangan ng pondo at pagkakataon.
Makabagong suporta sa edukasyon: Ito ang unang hakbang para sa kabataan upang ihubog ang kanilang kinabukasan. Hindi lamang scholarship kundi oportunidad makakuha ng magandang trabaho ang isusulong ko. Naniniwala rin ako sa kasabihan na “The youth need to be enabled to be job generators and not just job seekers” (APJ Abdul Kalam). Ang Kabataang Pilipino, kung mabibigyan ko ng suporta, ay magkaka oportunidad magpakita ng galing at talino at magsimula ng negosyo para makatulong sa pamilya.
Makabagong buhay sa pabahay: Ang paniniwala ko po ay “Kapag may maayos na bahay, nababago ang buhay”kung kaya’t kasama sa aking programa ang makapagbigay ng maayos na tirahan sa ating mga kababayan.
Makabagong Lakas o empowerment sa ating mga kababaihan at kabataan: ipaglalaban at isusulong ko ang karapatan ng mga kabataan at kababaihan sa Senado.
Ako po ay isang Villar. Minana ko sa aking mga magulang ang pagmamahal sa mahirap. Namana ko sa Papa ko ang maging malapitin sa tao, maging matulungin sa kapwa. Minana ko sa Mom ko ang pagiging malakas at galing sa pagtratrabaho.
Sila ang idolo ko sa pagiging “natural mamuno, natural ang puso”.
Kung pagpapalain po tayo mabigyan ng pagkakataong magsilbi sa aking mga kababayan, ako po ang bagong boses sa ating pulitika na magtataguyod sa ating bagong bukas bilang isang bansa.
Panahon ng magka senador na mula sa aking henerasyon dahil sa napaka daming pagbabagong nangyayari ngayon sa bayan at sa mundo.
Makinig sa bagong pananaw, buksan ang pag-iisip , at sabay sabay tayong humarap sa bagong bukas.
Ako po si Camille Villar. Bagong boses sa pulitika tungo sa bagong bukas ng sambayanan.
