San Pedro City, Laguna — PERSONAL na nag-ikot sa mga pampublikong paaaralan ang Kongresista ng unang distrito ng Laguna na si Congresswoman Ann Matibag upang makita ang kalagayan ng mga pampublikong paaralan ng lungsod na ito.
Sa unang araw ng Brigada Eskwela 2025, sinuri ng mambabatas ang mga silid-aralan na nangangailangan ng pagkukumpuni o pagpapagawa ng mga ginagamit na upuan, lamesa at iba pang kinakailangang kagamitan.
Inisyatibo ng kongresista na maghatid ng tulong sa mga batang mag-aaral na magkaroon ng maaayos na silid-aralan at adbokasiya na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa lungsod sa pamamagitan ng makabuluhang infrastrukturang proyekto.
Isa sa kanyang mga pangunahing layunin ay ang makapagpatayo ng mas maayos at komportableng mga paaralan, mga silid-aralan na may air-conditioning units upang mas maging komportable at makapag-pokus ang mga batang estudyante .
Sinabi ng mambabatas , “Ang pangarap ko ay simple bilang Nanay : ang bawat batang San Pedronian ay may ligtas, komportable at maayos na paaralan na kung saan sila ay makapagconcentrate mag-aral, makinig sa mga guro at matuto. Kung saan ang bawat guro ay makakapagturo ng buong puso at ang bawat magulang ay panatag,” .
Sa kanyang pagbisita, katuwang ni Congresswoman Ann Matibag si Dr. Danilo V. Ayap – Chairman of the Board of Trustees ng Lyceum of Alabang – San Pedro Campus na buong pusong nagkaloob ng mga silya para sa Pacita Complex National High School. Samantala, ang Zonta Club of Laguna, sa pangunguna ni President Ann Matibag, ay nagbigay naman ng Smart TV para sa paaralan bilang bahagi ng kanilang suporta sa digital learning.

Lubos ang pasasalamat ni School Principal Ms. Janette B. Senarillos at ng Officers ng School Parents-Teachers Association sa pamumuno ni Pres. Mhara Amandi sa tulong ni Congresswoman Ann Matibag, Dr. Danilo V. Ayap at ng Zonta Club of Laguna sa bawat mag-aaral sa Pacita Complex National High School.
Ang Brigada Eskwela ay ang pagsasanib-puwersa ng pamahalaan, pribadong sektor at mga organisasyon tungo sa posibleng mas maliwanag na kinabukasan para sa kabataan.
Para sa isang mas maaliwalas, maayos at makabagong San Pedro — tuloy tuloy ang tatak na serbisyo ng Alagang LaguNanay para sa Ating Magandang Bukas.
