
Arestado ang isang bagitong pulis na suma-sideline bilang holdaper sa isinagawang checkpoint sa Pagsanjan,Laguna kaninang umaga.
Sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director Col.Rogarth Campo kay Calabarzon Regional Director PBrig.Gen Antonio Yarra nakilala ang suspek na si Patrolman Glenn MAlijan Angluan na nakatalaga sa Laguna 2nd Police Mobile Force Company.
NAaaresto ang pulis na suspek matapos ang isang insidente ng pagnanakaw ang naganap sa isang gasolinahang Uni-Oil sa Brgy.Santiago ,Sto.Tomas sa Batangas bandang al 230 ng madaling -araw.
matapos ang pagnanakaw mabilis itong sumakay sa kanyang motorsiklo na walang plaka patungo sa direksyon ng Laguna.
Agad na inalerto ang lahat ng checkpoint ng kapulisan sa Laguna kung saan agad na nahuli ang suspek ng Pagsanjan Municipal Police Station sa kahabaan ng National highway sa Barangay San Isidro .
Ayon kay Campo,itinuturo ang suspek sa serye pang-holdup sa mga 711 convenience store sa Laguna.
Nasa pangangalaga na ng Sto.Tomas Police Station ang suspek na mahaharap sa kasong criminal at administratibo.
“We will not tolerate the wrongdoings in our organization. This is part of our internal cleansing program to clean our ranks. This is good cop versus bad cop combat. Laguna PNP is working and remains strong, especially with the current quick response on any reported criminal act, ani ni Campo.