TINIYAK ng tagapagsalita ng DA at Assistant Secretary na si Arnel De Mesa na mayroong healthy stock at inventory ng bigas para sa taong ito kasama ang mga import na bigas upang mapunan ang lokal na produksyon.
Sinabi ni De Mesa na iniulat ng Bureau of Plant Industry (BPI) na umabot sa higit sa 600,000 metriko toneladang imported na bigas ang natanggap ng bansa para sa unang dalawang buwan ng 2024.
“On an average that’s about 300,000 metric tons which is at par doon sa expected natin na 300,000 metric tons per month na darating na bigas na imported. Iyong ating production last year na 20.06 million metric tons plus itong ating mga imports, and we are expecting na magpi-peak iyong harvest natin ng palay nagsisimula na ngayon by March and April,”ayon sa kanya.
“So, in terms of supply wala po tayong problema we have a very healthy stocks and inventory of rice para po ngayong taon na ito,”dagdag pa nito .
Sa ngayon ay patuloy ang monitoring ng DA sa mga nasalanta at naapektuhan ng El Nino sa buong bansa.
.
