May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

Dating Barangay Kagawad, patay sa ambush

Ni Chris Lucas

PATAY sa pamamaril ang isang Russel Mangansakan, residente ng Purok Maligaya, Barangay San Pablo, Tacurong City.

Ayon sa paunang ulat, dakong alas 9 ng umaga, kahapon, Nobyembre 15, nang malapitang pagbabarilin ang biktima na agad nitong ikinasawi. 

Ayon sa mga saksi, mabilis na tumakas papalayo sa lugar ang mga salarin matapos ang pamamaril

Si Mangansakan ay kilalang Regional Chairman ng United Citizen Crime Watch o UCCM sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao. Sya rin ay naging kagawad at naging secretary din sa kanilang barangay.

Nitong nakaraang eleksyon ay tumakbong konsehal ng kanilang lungsod si Mangansakan.

Sa mga oras na ito ay patuloy ang manhunt operation at imbestigasyon ng mga otoridad patungkol sa naturang kaso ng pamamaslang.