
IPINAPATAWAG ng Department of Migrant Workers o DMW ang mga labor attache na nakadestino sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.
Ito ay para sa isang strategic planning workshop na isasagawa sa Tagaytay City sa darating na Disyembre 12 hanggang 15.
Layon ng nasabing workshop na makabuo ng kongkretong plano o gameplan para sa strategy map para sa performance, professionalism at policy implementation. Ang nasabing workshop ay binansagang “ACT” na may kahulugang Alignment, Connection and Transition to Transformation.
Matatandaan na ang DMW ay nabuo sa pamamagimitan ng batas na pinirmahan ni Pangulong BongBong Marcos noong Disyembre 27, 2021, at magkakaroon ng sariling pondo ang ahensya sa 2023 kapag napirmahan na ng Pangulo ang General Appropriations Act of 2023. Mayroong 16.323 Billion Pesos ang pondong inaprubahan ng Senado pa sa DMW.
Sa puntong ito ay ganap nang magiging constitutionalized ang pagkakatatag sa DMW at ang pagkalusaw naman ng Philippine Overseas Labor Office o POLO at magiging Migrant Workers Office (MWO) na ang mga ito.
Sa kasalukuyan ay mayroon tayong 42 POLOs na ang pondo ay galing pa sa Department of Labor and Employment o DOLE.
Ayon sa mandato ng DMW, ang mga Migrant Workers Office ay inaatasang tumulong sa mga Overseas Filipino Workers sa lahat ng pagkakataong kinakailangan ang tulong ng pamahalaan, legal man o usaping medikal.
Ayon kay Secretary Susan “Toots” Ople, ang legal assitance na ibinibigay ng Department of Foreign Affairs o DFA ay DMW na ang mangangasiwa.
Dagdag pa ni Ople mas kakaunti pa lamang ang nakaaalam na mayroon ng Department of Migrant Workers na handang umalalay sa mga OFWs at kanyang ilalatag na rin ang information campaign ng ahensya .