PATAY ang isang 59-anyos na engineer noong Linggo sa Peñaranda, Nueva Ecija.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Elpidio Policarpio, residente ng Bgy. San Josef, Peñaranda.
Ayon sa pahayag ng isang saksi na nagbigay alam sa pulisya tungkol sa nangyaring pamamaril sa Bgy. San Josef.
Sinabi nitong huminto ang dalawang lalaking sakay ng motorsiklo at saka pinagbabaril ang engineer bago tumakas.
Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek na ayon sa mga saksi ay nakasuot ng itim na jacket, helmet at facemask.
