
DUMALO sa pagtitpon ang grupo ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bong-bong Marcos Jr . upang ipakilala sa mamamayan ng Sta. Rosa sa Laguna ang mga kandidatong dala ng kanyang administrasyon na kalahok sa darating na mid-term elections 2025 sa Mayo 12.
Kabilang si Deputy Majority Leader at ACT-CIS Partylist Representative si Erwin Tulfo sa nagpakilala sa mga residente roon.
Sinabi ni Tulfo na siya ay nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga dumalo sa pagtitipon sa kabila ng kinakaharap na pagsubok ng bansa.
Humingi si Tulfo ng panalangin para sa bansa upang malampasan ang pagsubok na kinakaharap at maging ang mga lider ng bansa ay inihingi rin niya ng dasal upang bigyan ng lakas ng pangangatawan at gabayan ng Poong Maykapal.
Sinabi ni Tulfo na tatlong dekada na siyang tumutulong sa mga mahihirap, nangangailangan, inaapi, at mga walang boses sa lipunan at kung mamarapatin ay kanyang dadalhin ang Tatak Tulfo na public service sa Senado ngayong Mayo a-dose.
Aniya, “ Sisiguraduhin ko rin po na kapag tayo ay nailuklok doon at ako po ay dinala niyo doon, sisiguruhin ko na ang lahat ng ahensya ng pamahalaan ay magbibigay ng serbisyong publiko o assistance sa araw na iyon na kapag kayo ay nagtungo sa kanilang ahensya. Hindi bukas, hindi yung babalikan mo na lang, kundi ora mismo dapat bigyan ka ng assistance lalo na kapag ikaw ay senior citizen, ikaw ay PWD, ikaw ay OFW, at ikaw ay maralita. “
“Dahil ang pagse-serbisyo po, dapat ibigay ng pamahalaan sa iyo sa oras at araw ng iyong pangangailangan. Iyan po ang maipapangako ko sa inyo. Yung serbisyong publiko ng gobyerno, ibigay ORA MISMO! “ dagdag pa Tulfo.
Si Erwin Tulfo ay nasa numero 63 sa balota, na kakampi ng mga inaapi .