Agoo, La Union – BINUKSAN ng Provincial Government ng La Union sa pakikiisa ng Office of the Provincial Agriculturis ang isang Multi-Species Hatchery and Aquaculture Facility sa Barangay Sta. Rita Central, Agoo, La Union noong January 16, 2025.
Ang pasilidad na ito ay magpapatibay sa aquaculture industry ng probinsya at makakatulong upang mapadami fish production kasama na ang pagbibigay suporta sa mga local na fisherfolk at makakatulong din sa food security at economic growth ng La Union.
Ang hatchery ay magdadagdag sa produksyon ng tilapia fingerling mula 400,000 to 500,000 kada taon. Magsisilbi rin itong venue para sa research at training ng mga farmers, fisherfolk at stakeholders para sa aquaculture ventures at pagsasagawa ng innovative technologies.
Ang pagbubukas ng pasilidad ay pinangunahan ni Governor Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David kasama ang mga barangay officials.
“Ngayong may sarili na po tayong fish hatchery dito sa Sta. Rita, may pasilidad na po na magsusuri, mag-aalaga, at magpaparami ng iba’t ibang klase ng isda rito. Makakaasa po tayo na gagaan ang trabaho ng mga KaPROBINSYAnihan nating mangingisda at ng buong agri-fishery community. Nariyan din ang mga skill development and capability programs o mga trainings na maaari nating i-organisa simula ngayon. At higit sa lahat, panibagong pagkukuhanan po natin ito ng isdang maaari nating ihain sa ating mga pamilya,” ani Gov. David.
