
NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa publiko sa pagbili ng “frozen eggs” bilang alternatibong paraan upang makatipid ang mamamayan dahil sa mahal na presyo ng sariwang itlog sa merkado ngayon.
Ayon sa DOH , maaaring maging sanhi ng food poisoning ang mga nakontaminang itlog na nagkakaroon ng Salmonella at E. coli bacteria.
Dahil sa mura ang presyo ng frozen eggs na nasa P55 lamang kada kilo kumpara sa P285 kada tray ng sariwa.
Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, Martes sa isang media briefing , “Alam niyo po, ang itlog kapag na-subject siya sa extremes of temperature, pwede po siyang mag-breed siya ng organismo na maaaring makasama sa ating katawan,”
Dagdag pa niya, “Specifically, may mga specific na bacteria na eadily naaapektuhan niya at naco-contaminate niya ang itlog. So kami po ay nagbibigay ng abiso at tska ng guidance para sa atin pong mga kababayan, ito pong mga fini-freeze na mga itlog ay maaaring makasama sa inyong health.”.
Malaking kamurahan ito kaya naman marami ang tumatangkilik sa pagbili ng frozen eggs kumpara sa P8-9 kada piraso ng sariwang itlog ngunit lubhang delikado sa ating kalusugan.