May 19, 2024

The Insider News

Direct from the source

Fuel subsidy sa mga tsuper tuloy pa rin

IPAGPAPATULOY ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board – LTFRB ang pamamahagi ng “Pantawid Pasada” o fuel subsidy sa mga operator at tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Kasunod ito ng pinirmahang Joint Memorandum Circular ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang LTFRB upang ipatupad ang Pantawid Pasada Program (PPP) o Fuel Subsidy Program (FSP) na layong tugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga operator at tsuper sa gitna ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Kabilang sa mga makatatanggap ng subsidiya ang mga kwalipikadong operator ng ilang pampublikong sasakyan tulad ng Public Utility Jeepneys (tradisyunal man o modern), Public Utility Bus, Taxi, UV Express, Delivery Service, at Tricycles.

Ang naturang subsidiya ay ipamimigay sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng digital banking tulad ng e-wallet, bank accounts, o Fuel Subsidy Card na maaaring gamitin sa ilang piling gasolinahan.