AGAD na binawian ng buhay ang isang grade 5 student na dalagita makaraang malunod habang naliligo ito sa ilog sa Purok Maganda 1, Barangay Gulang-gulang, Lucena City nitong Linggo, Agosto 10.
Natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima bilang si alyas Renalyn na residente ng Purok 1, Barangay Bocohan, Lucena City .
Base sa report ng Lucena City Police Station bandang alas 12:30 ng tanghali ay nagkayayaang maligo sa ilog ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa nasabing lugar nang bigla itong mawala habang lumalangoy malapit sa pampang.
Nang malingat ng ilang saglit ang kanyang mga kaanak ay hindi matagpuan ang biktima kaya naman agad na humingi ng tulong ang pamilya sa Barangay.
Agad na nagsagawa ng retrieval and rescue operation ng mga PNP, Bureau of Fire Protection-Lucena City, at Philippine Coast Guard-Lucena City bandang alas 5:52 ng hapon.
Ngunit narekober ang katawan ng biktima sa di kalayuan na pinaniniwalaang tinangay ng agos ng ilog at nalunod .
Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente .
