June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Gunman sa Radio anchor , arestado sa Dipolog City

NATIMBOG ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay sa radio broadcaster ng Misamis Occidental na si Juan “Johnny Walker” Jumalon sa Zamboanga del Norte , Lunes ng madaling araw.

Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo sa ginanap na pressconference  ,  nahuli si Julito Mangumpit o kilala bilang ‘Ricky’ ng Misamis Occidental police at Zamboanga del Norte sa Dipolog City bandang 3:10 ng madaling araw.

Natukoy ng mga otoridad ang lokasyon ni Mangumpit makaraang mapag-alamanan ng intelligence unit ang kinaroroon nito.

Napag-alamanan na si Mangumpit ay  isang dating miyembro ng New People’s Army (NPA na may mga nakabinbing warrant of arrest para sa kasong pagpatay, frustrated murder, direct assault, at kasong droga.

Si Mangumpit na ang ikatlong nahuling suspek kaugnay sa pagkamatay ni Jumalon.

Matatandaang ang dalawang iba pang suspek — sina Boboy Bongcawel (kilala bilang Boboy) at Renante Bongcawel (kilala bilang Inteng) — ay naaresto noong Marso 15 sa Barangay Poblacion, Sapang Dalaga, Misamis Occidental.

Sinabi ni Fajardo na ang baril na ginamit sa pagpatay kay Jumalon ay ang parehong baril na ginamit sa pag-assassinate sa isang municipal engineer din sa Misamis Occidental.

“Patuloy pa rin ang imbestigasyon dahil naniniwala kami na ang mga naarestong suspek ay baka lamang pinag-utos na patayin si Ka Johnny Walker,” sabi niya, idinagdag na hinahanap nila ang utak sa likod ng pagpatay kay Jumalon.

Makatatanggap ng PHP3.7 milyong reward sa mga nagbigay ng impormasyon upang maaresto ang mga suspek.

Si Jumalon ay pinaslang noong Nobyembre 5, 2023 sa bayan ng Calamba habang nasa live broadcast sa loob ng komunidad ng radyo ng 94.7 Gold FM.