
Camp BGen Vicente P Lim – NASAM,SAM ang Php 1,060,000.00 halaga ng iligal na droga sa dalawang naarestong 2 High-Value Individuals (HVI) sa magkahiwalay na drug bust operation na isinagawa sa Imus City, Cavite, at Sta. Rosa noong Abril 1, 2025.
Batay sa ulat kay PBGen Paul Kenneth T. Lucas, Regional Director ng PRO CALABARZON, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga miyembro ng Cavite Provincial Drug Enforcement Unit at Station Drug Enforcement Team ng Imus Component City Police Station, katuwang ang PDEA 4A, laban kay alyas “Atenta,” HVI na nagresulta sa pagkakaaresto at pagkakasamsam ng iligal na droga na nagkakahalaga ng Php 340,000 kasama ang drug bust money.
Nahuli rin operasyon ng pulisya bandang 08:15 PM sa Brgy. Caingin, Sta. Rosa City, Laguna, ang Drug Enforcement Team ng Sta. Rosa CCPSang isang alyas “Marvin” kung saan nasamsam ang Php 720,000.00 halaga ng marijuana.
Ang mga naarestong suspek ay mahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at Sec. 11 ng R.A. 9165, na kilala rin bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.