TUMANGGAP ang 75 batang may Autism mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa buong Laguna ng personal honorarium ni Laguna Governor Sol Aragones mula sa University of Perpetual Help – Binan .
Ipinagkaloob ni Gob. Aragones ang honorarium bilang bahagi ng kanyang suporta para sa mga indibidwal na may autism at sa kanilang pamilya.
Malaking tulong din sa mga benepisyaryo ang mga pang-araw-araw na pangangailangan tulad ng pagkain, gamot, at iba pang gastusin.
Nagpahayag ng pasasalamat ang mga benepisyaryo at kanilang pamilya dahil sa malaking tulong upang mairaos ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak.
Ibinahagi ng maraming pamilya na ang suportang ito ay nagbibigay sa kanila ng panghihikayat at pagganyak na ipagpatuloy ang pag-aalaga sa kanilang mga anak.
Sinabi ni Gobernador Aragones na ang kahalagahan ng suporta ng komunidad para sa mga may special needs kayan naman kanyang hinihikayat ang mga lokal na pinuno at residente na patuloy ang pagtulong at pagmamalasakit para sa mga batang may autism sa buong Laguna.
