IPINAGPAPALIWANAG ni Rep. Rolando M. Valeriano, Chairperson, Committee on Metro Manila Development, ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga naitalang iregularidad sa pamimigay ng benepisyo mula sa programa nito na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Displaced / Disadvantaged Workers (TUPAD) na inilunsad ng pamahalaan nuong kasagsagan ng pandemya.
Nakatanggap kagabi si Rep. Valeriano ng mga sumbong na kahit sino ay nakakakuha ng ‘pay-outs’ ng TUPAD na labag sa pamantayan ng programa. Ang mga benepisyaryo naman ay binabawasan ng malaki o kinikikilan upang makatanggap, kasama rito maging ang mga senior citizen.
“Under the TUPAD program, DOLE must provide emergency employment or financial assistance to the displaced, vulnerable workers including the underemployed,” he explained.
“To qualified beneficiaries some monetary allowance equivalent to 10-30 days of labor-wage are distributed through the barangays because TUPAD is a community-based assistance, following the DOLE’s Department Order 219-20. A bonafide beneficiary may get a pay-out of P5,370,” dagdag ni Rep. Valeriano.
“Pinalalawak pa ang programang ito subalit nakalulumo ang pananamantala ng ilang tauhan ng DOLE. Diretso nilang pinamimigay ang “pay-outs” na may kaltas kahit sa hindi kwalipikado makatanggap. Kailangan natin masampolan ang mga ito kaya magsasagawa tayo ng imbestigasyon ukol sa mga reklamo mula sa Lungsod ng Maynila,” ika ni Rep. Valeriano.
Nagpadala siya ng screenshots ng sagupaan sa social media ukol sa iregularidad.
