ISANG matagumpay na hakbang tungo sa mas inklusibo at mas pinalawak na oportunidad sa trabaho ang naitala ng Lungsod sa isinagawang JOB FAIR: Trabaho, Negosyo, Kabuhayan, at Free Legal Consultation noong Marso 2 sa SM City Sto. Tomas, kung saan 2,014 na aplikante ang nagparehistro at nag-apply sa iba’t ibang kumpanya.
Kabuuang 22 lokal na kumpanya at 2 overseas employers ang nag-alok ng mahigit 5,000 bakanteng posisyon. Sa nasabing bilang, 208 aplikante ang hired-on-the-spot (HOTS), habang marami pa ang nakatakda para sa susunod na panayam.
Nakiisa rin ang iba’t ibang national government agencies na naghatid ng frontline services, kasama ang libreng legal consultation mula sa mga volunteer attorneys.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Atty Arth Jhun Aguilar Marasigan, kaagapay si Vice Mayor Catherine Jaurigue-Perez, at mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, katuwang ang PESO, sa pagsusulong ng mga programang nagbubukas ng mas masigla at mas maunlad na kinabukasan para sa mga Tomasino.
