June 18, 2024

The Insider News

Direct from the source

Libreng sakay para sa mga empleyado ng gobyerno simula sa Setyembre 18 – 20

Ni Len Dancel

BILANG pakikiisa sa pagdiriwang ng 123rd Philippine Civil Service Anniversary inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr ) na magkakaroon ng ‘Libreng Sakay’ para sa mga kawani ng gobyerno sa MRT-3 at Light Rail Transit Authority (LRTA).

Magsisimula ang libreng sakay  mula Setyember 18 hanggang 20 bilang pasasalamat sa serbisyo publiko ng mga kawani ng gobyerno .

Ang mga oras ng ‘Libreng Sakay’ ay magsisimula sa ganap na alas 7 hanggang alas-9 ng umaga at alas – 5 ng hapon hanggang 7 ng gabi.

Ipakita lamang ang government issued ID bilang katunayan para ma- avail ang libreng sakay.