June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Mag-asawa natagpuang patay sa Batangas

NATAGPUAN ang bangkay ng isang lalaki at ng kanyang asawang babae sa kanilang bahay sa Tanauan, Batangas, Sabado ng umaga.

Ang mga bangkay nina Allen John Umali, 38, at ng kanyang asawang si Khegzy, 36, ay natagpuan ng kapatid na si Rhaziel Badillo, sa kanilang silid bandang alas-7:20 ng umaga.

Iniulat ni Badillo sa pulisya na pumunta siya sa bahay ng mag-asawa sa Barangay Darasa matapos na hindi sumagot ang kanyang kapatid sa kanyang mga mensahe mula Biyernes.

Nabaid ng mga otoridad na may tama ng bala sa leeg ang mag-asawa at saka  tinalian ng duct tape ang kanilang mga kamay. Natagpuan rin ang isang 9mm na baril malapit sa ulo ni Allen.

Ang mag-asawang Umali ay nag-ooperate ng shuttle services para sa mga empleyado ng industrial company .

“Wala namang tanda ng pwersadong pagsalakay o nanlaban ang mga biktima .Ang mga gamit ng mga biktima tulad ng cellphone, pera, alahas, at iba pang mahahalagang bagay ay nasa ayos. Ang babae ay nasa kama, parang natutulog sa tabi ng kanyang asawa. Nakabalot siya ng kumot,” pahayag ni Lt. Col. Apolinario Lunar, hepe ng pulisya ng Tanauan City.

Inaantay na lamang ang resulta ng paraffin tests ni Allen.