
ISANG mangingisda ang nang-hostage ng isang 16-anyos na lalaki matapos pagsasaksakin ang dalawa pa sa Baliwag Public Market sa Bgy. Poblacion, Baliwag City, Bulacan noong Miyerkules.
Natukoy ang suspek na si alyas “Dima,” ng Bgy. Poblacion, Baliwag City, Bulacan, na kalaunan ay natimbog ng mga rumespondeng pulis.
Isang ulat kay Police Regional Office 3 (PRO3) director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones Jr. ng Bulacan police, nakita ang suspek na armado ng kitchen knife nang salakayin at pagsasaksakin si Lady Lyn Viernes, 25, ng Bgy. San Jose, Baliwag City, na noon ay naglalakad sa pasilyo ng palengke.
Nakapanlaban si Viernes at tumakas matapos magtamo ng bahagyang sugat sa ulo.
Pagkatapos ng pananaksak ay inundayan rin ng saksak ng suspek ang security guard na si Benancio dela Peña, 48, ng Candaba, Pampanga, bago i-hostage ang binatilyo.
Agad namang rumesponde sa lugar ang mga pulis sa pangunguna ni Lt. Ariel Modelo.
Tinangka ni Modelo na makipag-ayos sa suspek para palayain ang binatilyo.
Gayunman, tumanggi ang suspek at nang magkaroon ng pagkakataon na makaabala sa kanya, kinuha ng isang pulis ang kutsilyo at isinuko ang suspek upang maiwasan ang karagdagang pinsala sa hostage.
Dinala sa ospital ng mga sugatang biktima upang gamutin.
Mahaharap sa mga kasong attempted homicide kaugnay ng Republic Act 7610 na kilala rin bilang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act ay inihahanda na para sa pagsasampa sa korte laban sa suspek.
Patuloy ang imbestigasyon sa kung ano ang nag-trigger ng pananaksak at hostage-taking.