
TINUPOK ng apoy ang makasaysayang gusali ng Manila Post Office sa tapat ng Plaza Lawton sa lungsod ng Maynila kung saan isa ang nasugatan sa sunog .
Nagtamo ng sugat sa kanang kamay ang 43-anyos na fire volunteer na nakilala sa pangalang Toto Roslin ayon sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), .
Wala naman naitalang namatay sa sunog na sumiklab dakong alas 11:40 Linggo ng gabi.
Umabot na sa general alarm o pinakamataas na antas ng alarma ang sunog .
Kasama sa mga nasunog ang ilang mahahalagang kagamitan tulad ng paintings, sulat at makasaysayang mga artifacts.