Camp Vicente Lim, Calamba City- WINASAK ang nasamsam na mga ilegal na paputok sa limang lalawigan ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon) sa kampo ngayong araw ng Sabado, ika-30 ng Disyembre.
Pinangunahan ni Police Regional Office 4-A Director Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang aktibidad kung saan ay nahuli rin ang dalawang indibidwal at nakumpiska ang iba’t ibang ilegal na paputok na nagkakahalaga ng P123,468 sa 198 na operasyon mula ika-16 hanggang ika-30 ng Disyembre.
Ayon pa kay Lucas , pitng katao ang nagtamo ng sugat mula sa paputok at iba pang pyrotechnic.
Pinakamalaking halaga ng ilegal na paputok, nagkakahalaga ng P1 milyon mula sa isang suspek, ay natagpuan ng Regional Intelligence Division 4-A at Tanauan City Municipal Police Station noong ika-30 ng Nobyembre sa Barangay Tambulong, Tanauan City, Batangas.
Noong ika-28 ng Disyembre, ang Regional Intelligence Division 4-A at ang Los Baños, Laguna Municipal Police Station ay kumuha ng P40,000 na halaga ng ilegal na paputok mula kay “Jester,” 30, sa isang entrapment operation sa Barangay Timogan, Los Baños.
Ang suspek, na nahaharap sa mga aksong paglabag sa Republic Act 7183 (Isang Batas na nagreregula ng pagbebenta, distribusyon, at paggamit ng mga paputok at iba pang pyrotechnic na kasangkapan), at mga ebidensiyang nakuha ay nasa pangangalaga ng pulisya ng Los Baños.
Nagpasalamat si Lucas sa kapulisan at sa komunidad para sa matagumpay na mga operasyon. Hinimok niya ang mga tao na iwasan ang paggamit at iulat ang mga nagtitinda ng ilegal na paputok sa mga awtoridad.
Sa mensahe ni Lucas, “I would like to express our sincere gratitude to the community members who have provided us valuable information and support not only on this particular operation but on other operations we have been conducting.
“To all our community, we need your cooperation to cease this illegal firecracker sale and distribution. You can help us by not patronizing illegal firecrackers and report to the nearest police station if there’s any illegal vendor or establishment selling illegal firecrackers. PRO CALABARZON remains committed to working collaboratively with our partners from different law enforcement agencies and the community to create a safer, secured and peaceful New Year celebration throughout the region” dagdag pa nito.