NAIS tuklasin ni vice chairman ng Committee on Good Government and Public Accountability at Zambales Representative Jefferson Khonghun ang katotohanan sa likod ng mga kahina-hinalang acknowledgement receipts na ibinigay ng Office of the Vice President (OVP) bilang ebidensya sa paggamit nito ng mga confidential fund.
Sa ginanap na press briefing nitong Lunes, sinabi ni Khonghun na nauna nang nagpahayag ng desisyon si VP Sara Duterte na laktawan ang susunod na pagdinig ng komite.
Aniya, “Nakakalungkot nga na hindi pupunta ang ating Vice President dahil marami siyang dapat na ipaliwanag doon sa mga pangyayari”.
Ipinahayag din ni Khonghun na nais na ng blue ribbon committee na matapos na ang mga pagdinig .
“Gusto naming tapusin ang blue ribbon investigation sa committee na ito para mai-file namin ang committee report,” dagdag pa ni Khonghun .
Ang Blue Ribbon Committee, na kinabibilangan ng Quad Committee, ay nagboluntaryo ng P1 milyon na pabuya kapalit ang impormasyon nang malaman ang pagkakakilanlan ng “Mary Grace Piattos kaugnay na confidential fund mula OVP”.
Sinabi naman ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V na magiging patas ang kamara at inaabangan ng komite ang partisipasyon ng iba pang resource persons na naimbitahan.
“We’ve been lenient enough that he handed out invitations only for orders for the resource persons, we’ve been waiting,” ani Ortega.
Kabilang si OVP chief of staff Undersecretary Zuleika Lopez bilang isa sa mga importanteng resource person sa susunod na pagdinig upang sana ay matugunan ang mga katanungan hinggil sa mga diumano’y anomalyang natuklasan ng komite.
Inaasahan ni Khonghun na susundin ni Lopez ang subpoena at magbibigay ng kalinawan sa mga paggasta ng confidential fund ng OVP matapos kumpirmahin ang mga ulat na nakabalik na siya mula sa kanyang paglalakbay sa Estados Unidos.
Tumugon din si Ortega sa naiulat na panukala na ibalik ang orihinal na proposed budget ng OVP kasunod ng maaaring magkaroon ng posibleng tanggalan sa OVP dahil sa kakulangan ng badyet at nakasalalay ito sa kongreso.
Nagtaas din si Khonghun ng mga alalahanin tungkol sa transparency, pinupuna ang kawalan ng pananagutan ng OVP sa mga naaprubahang badyet nito.
“Nakita na natin ang Office of the Vice President, VP Sara’s lack of accountability and transparency in how they used the funds. So hanggang kailan natin sila pagkakatiwalaan? Yung P700 plus million na inilaan sa kanya ng Kongreso at Senado , sa tingin natin ay tama. . Kumbaga enough na yun para makapagpatakbo ng kanyang opisina,” aniya.
Kinuwestiyon din ng dalawang mambabatas ang pagdoble ng mga responsibilidad, partikular sa mga programa tulad ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workersna pinamumunuan ng ibang ahensiya tulad ng Department of Social Welfare and Development at Department of Labor and Employment.