
ARESTADO ang isang Regional Level Most Wanted Person sa manhunt operation ng Calamba Pulis kahapon , Hulyo 29, 2024.
Kinilala ni PCol Gauvin Mel Y Unos , Acting Provincial Director, Laguna Police Provincial Office, ang akusado na si alyas Jayson residente ng Calamba City.
Ayon sa ulat ni PLtCol Titoy Jay Cuden , hepe ng Calamba Component City Police Station nagkasa ang mga operatiba ng manhunt operation kahapon bandang alas- 11:00 ng tanghali sa Brgy. Real .
Bitbit ang warrant of arrest ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region Branch 8, Calamba City, na nagresulta sa pagkakaaresto ni alyas Jayson sa paglabag sa kasong Statutory Rape na walang nirerekomendang piyansa.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Calamba CCPS ang nasabing arestadong akusado at agad namang inimpormahan ang korteng pinagmulan ng Warrant of Arrest patungkol sa pagkakadakip ng akusado.
Sa pahayag ni PCol Unos, “Ang mga operasyon ng Laguna PNP laban sa mga nagtatago sa batas ay mas pinaigting pa, at para sa mga mamamayan ng Laguna makakaasa po kayo na sa patuloy po natin pagtutulungan ay mas lalong magiging mabilis ang pagtugis o paghuli ng mga akusado”.