
BILANG pagpapahalaga sa kahalagahan ng kaligtasang panglansangan, ang Metro Pacific Tollways South (MPT South), isa sa mga subsidiary ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), ay nag-organisa ng Drayberks Road Safety Seminar na may temang “ALERTO KADA KILOMETRO” para sa mga empleyado ng TAS Trans Corp. at Erjohn & Almark Transit Corp., na regular na bumibiyahe sa Manila-Cavite Expressway o CAVITEX, noong Hulyo 18, 2024.
Sa panahon ng kaganapan ng nasabing seminar, ang mga kinatawan ng MPT South ay tinalakay ang iba’t ibang patakaran at regulasyon sa expressways, na nakatuon sa RA 2000 o ‘Ang Limited Access Highway Act’. Ang mga kinatawan din ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kasama sina Mr. Eric Vergara, Information Officer and Lecturer ng Traffic Education Division, at Mr. Asnawi Disomimba, Assistant Head ng Deputation Program Unit, Traffic Discipline Office, ay nagbahagi ng mahahalagang impormasyon sa mga patakaran ng batas pang-trapiko sa Metro Manila.
Ang mga participants sa seminar ay nagpledge ng kanilang commitment na iprayoridad nila ang kaligtasang panlasangan bilang kanilang pangunahing misyon sa paglalakbay nila sa iba’t-ibang expressways at lansangan, at pagsiguro ng tiyak na kaligtasan ng publiko. “The ‘ALERTO KADA KILOMETRO’ Drayberks Road Safety Seminar organized by MPT South was an invaluable initiative that has equipped our drivers with crucial safety knowledge. We are deeply grateful for their commitment to improving consciousness on road safety in our transport community,” saad ni Mr. John Benedict Santiaguel, General Manager ng Tas Group of Companies.
Si Arlette V. Capistrano, Vice President for Communications and Stakeholder Management ng MPT South, ay naglahad na ang, “MPT South will continue to partner with different organizations to ensure that road safety is well communicated. As our top priority, we shall relentlessly advocate and educate on the vital role that each driver plays in ensuring overall safety for themselves and others on the road.”
Ang MPT South, sa misyon nitong mamuno sa pagbibigay ng maayos at ligtas na paglalakbay sa mga biyahero, ay nakatuon sa pagtiyak na ang mga drayber ay may sapat na kamalayan sa kaligtasang panlansangan. Ang “ALERTO KADA KILOMETRO” Road Safety Seminar ay magpapatuloy ng buong taon sa mga komunidad na nakapalibot CAVITEX at CALAX, transport groups, at iba pang mga kaalyadong organisasyon.