KALUNOS-LUNOS na kamatayan ang sinapit ng nawawalang 79-anyos na lola makaraang matagpuan ang kanyang bangkay sa sa bahagi ng Marilaque Highway sa Brgy, Cayumbay sa Tanay , Rizal nitong Sabado ng umaga.
Isang buwan ng pinaghahanap ng mga otoriadad ang biktimang si Edilberta Gomez, na residente ng Brgy. Pinyahan, Quezon City.
Base sa ulat ng Quezon City Police District Kamuning Police Station 10, umalis ng bahay si Gomez bandang alas 5:30 ng madaling araw noong Enero 14 .
Sa salaysay ng kanyang hipag , nagpaalam ito na magsisimba sa Manaoag , Pangasinan kaya naman agad na sumakay ito ng taxi patungo sa sa Mayon, QC upang sunduin ang isang pang kamag-anak .
Ito na ang huling nakitang buhay ang biktima at makalipas ang isang buwang pagkawala, isang impormasyon mula sa pulisya ang kanilang natanggap.
Kaya naman ay agad na pinuntahan ng mga awtoridad kasama ang pamangkin ni Gomez na si Fernado Gonzalez upang alamin ang pangyayari.
Dito na positibong nakilala ang bangkay ng biktima matapos itong maberipika.
Sa ngayon ay patuloy ang pangangalap ng mga awtoridad ng impormasyon hinggil sa sinapit na pagkamatay ng matanda.