PATAY ang isang 39-anyos na negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Barangay Malanget, Pandag, Maguindanao del Sur gabi ng Lunes, Nobyembre 16.
Kinilala ang biktima na si Muda Hassim Usman, residente ng Barangay Linamunan, Talayan, Maguindanao del Sur.
Ayon sa ulat ng pulisya, pauwi na umano ang biktima mula sa General Salipada K. Pendatun matapos maningil ng pautang nang sundan siya ng nakamotorsiklong mga suspek at pinagbabaril.
Agad isinugod ang biktima sa Buluan District Hospital bago inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City, subalit binawian din ito ng buhay.
Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente
