
NAGLABAS ng pahayag ng pakikiramay at panalangin ang Office of the Vice President sa mga mamamayang naapektuhan ng matinding 6.9 magnitude na lindol sa Cebu at Leyte .
Sa isang FB post ng OVP, nakikiramay ito sa mga pamilya ng mga nasawi at ipinagdarasal ang mabilis na paggaling ng mga nasugatan, gayundin ang agarang pagbangon ng mga komunidad na tinamaan ng trahedya.
Tiniyak din ng OVP na maghahatid ito ng tulong sa mga apektadong lugar sa pamamagitan ng kanilang mga satellite office sa Cebu, Bohol, Siquijor, Eastern Visayas, Panay, at Negros Islands.
“Dasal ng OVP na mabigyan kayo ng lakas ng loob, tibay ng pananampalataya, at pag-asa sa pagharap ng hamon na ito,” ayon sa pahayag.