
NAKIISA ang Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa mga naapektuhan ng lindol kung saan ay naglaan ng ₱10 milyon bilang financial assistance, tig-₱1 milyon para sa siyam na bayan at isang lungsod sa Cebu, upang makatulong sa kanilang mga programa sa rehabilitasyon at pagbangon.
Nagpadala rin ang Lungsod Quezon ng mga engineers at Disaster Risk Reduction technical crew upang tumulong sa damage assessment at auditing ng mga gusali at imprastruktura matapos ang matinding 6.9 magnitude na lindol .
Kasama ang emergency medical services at psychosocial team upang makapagbigay ng agarang tulong medikal at mental health support sa mga nangangailangan roon,
Sa kabuuan, 26 personnel mula sa QC Government ang dumating na sa Cebu para sa agarang tulong para sa mabilis na pagbangon ng bawat naapektuhang pamilya .
Taos-pusong ipinapaabot ng Quezon City ang aming panalangin, suporta, at pakikiisa sa lahat ng biktima ng lindol.
Nangako rin ang local na pamahalaan na nakaantabay ring magpahatid pa ng karagdagang tulong sa abot ng makakaya kung kinakailangan.