May 22, 2024

The Insider News

Direct from the source

P3.1-M scholarship grant para sa mga kabataang magpapayabong ang organikong pagsasaka

SAMPUNG kabataan ng Calabarzon na kabilang sa  programang Youth Scholarship Grant on organic farming 2023-2024 ang nabiyayaan ng tig-P315,000 tulong-pinansiyal mula sa Department of Agriculture (DA).

Ang mga iskolar ay sasailalim sa 21 buwang pagsasanay ng pamamaraan ngf organikong pagsasaka.

Katuwang sa implementasyon ng programa ang limang Learning Site for Agriculture o Organic/Chemical Free Farm Partners sa rehiyon.

 Makakatanggap tig-P210,000 bilang internship/mentoring fee. Ang mga kwalipikadong Farm Partners ay magkakaroon ng tig-dadalawang mentee o scholars na kanilang tuturuan ng mga kaalaman at pamamaraan sa organikong pagsasaka.

Hinihikayat ng DA Region IV-CALABARZON (DA-4A), DA-National Organic Agriculture Program, at DA-Agricultural Training Institute CALABARZON ang lahat ng interesadong kabataan at kwalipikadong Farm Operators na magsumite ng kani-kanilang aplikasyon.

Ipinapabatid sa lahat ng interesado na maaari na lamang magsumite ng aplikasyon hanggang sa ika-31 ng Enero. 

Layunin ng programang ito ang pagpapalawig ng organikong pagsasaka at mahikayat ang mga kabataan na pahalagahan at isabuhay ang mga pamamaraan sa larangan.

Para sa karagdagang impormasyon makipag-ugnayan sa pamunuan ng DA-4A at ATI CALABARZON.