TINATAYANG Php30,780,000.00 ilegal na likidong extracts o substances na nakatago sa isang brown na pakete ng UPS na idineklarang Solar Cable nitong Abril 1 ang nadiskubre sa isang courier warehouse sa loob ng Clark Freeport Zone, Mabalacat City, Pampanga,.
Nakumpiska ng Clark Inter-Agency Task Force Against Illegal Drugs (CRK-IATFAID), na binubuo ng PDEA, BOC, NBI-PAMDO, at PNP, ang drug drug interdiction operation ang mga p;inaghihinalaang illegal na droga na Ketamine, na may kabuuang bigat na humigit-kumulang 6,156 gramo at tinatayang halaga sa merkado na Php30,780,000.00.
Base sa rekord nagmula ang pakete sa bansang Netherlands at naka-consign sa isang indibidwal sa Pasig City.
Ang mga nakumpiskang gamit ay minarkahan, tinimbang, at kinuha para sa karagdagang pagsusuri ng PDEA.
Mahaharap ang claimant sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at maaaring pagmultahin.
