IPINATUTUPAD na ang pagtaas ng sahod sa mga ahensya ng gobyerno matapos simulan ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng pondo para sa nasabing layunin.
Ito ay matapos pirmahan ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang Executive Order No. 64 na nag-aapruba ng Salary Standardization Law VI (salary increase) para sa lahat ng sibilyan na kawani ng gobyerno noong ika-2 ng Agosto 2024.
Kahapon ng 1:00 ng hapon, ika-10 ng Setyembre 2024, may kabuuang P31.93 bilyon na ang nailabas na pondo para sa 257 na departamento/ahensya, habang mahigit 58 naman ang kasalukuyang nasa proseso.
“We are doing everything we can so that we can release the budget to all agencies as soon as possible. Ito po ‘yung pinakahihintay ng ating mga kasamahan sa gobyerno. Of course, we also urge the heads of the departments and agencies to distribute immediately the salary differential since ‘yung increase po is retroactive starting January of this year,” pahayag ni DBM Secretary Amenah “Mina” Pangandaman.
Ayon sa pinakabagong datos ng DBM, ang pondo para sa salary adjustment ay nailabas na sa mga sumusunod na departamento/ahensya:
Congress of the Philippines
Office of the President
Office of the Vice President
Department of Agriculture
Department of Budget and Management
State Universities and Colleges
Department of Education
Department of Energy
Department of Environment and Natural Resources
Department of Foreign Affairs
Department of Health
Department of Information and Technology
Department of Interior and Local Government
Department of Justice
Department of Labor and Employment
Department of Migrant Workers
Department of National Defense
Department of Public Works and Highways
Department of Science and Technology
Department of Social Welfare and Development
Department of Trade and Industry
National Economic Development Authority
Other Executive Offices (OEOs)
Civil Service Commission
Commission on Audit
Commission on Human Rights
Metropolitan Manila Development Authority
*SSL VI dashboard, inilunsad*
Sa ngalan ng transparency, accountability, at good governance, inatasan ni Sec. Mina ang pagsasagawa ng Salary Standardization Law VI (SSL VI) dashboard. Ito ay isang kasangkapang dinesenyo para magbigay ng real-time data sa mga ipinalabas na budget para sa mas madaling pagmonitor at epektibong oversight.
“This dashboard reflects our commitment to transparency and open government. What we want is for the people and our stakeholders to be informed as well as updated in real-time about our budget releases,” ani Budget Secretary.
Ang salary increase dashboard ay aktibo na sa official website ng DBM at pwede nang ma-access sa pamamagitan ng link na ito: https://www.dbm.gov.ph/
Ang pagpapalabas ng mga pondo na may kaugnayan sa salary increase ay base sa mga isinumiteng request ng mga ahensya sa DBM sa kani-kanilang pagkalkula ng salary adjustment at mga requirements.