
PANIBAGONG pagtataas nanaman ng presyo ng krudo,gasoline at kerosene ang ang ikakasa bukas ,araw ng Martes ,ng mga kompanya kahit na hindi pa man nakakabangon sa 11 magkakasunod na linggong pagtataas ng petrolyo sa bansa.
Pinakamalaki ang antas ng dagdag presyo sa krudo na ayon sa Department of Energy (DOE) ay papalo sa P8.65 kada litro.
Dagdag P3.40 naman kada litro sa gasolina at P9.40 sa kerosene – higit na Malaki kumpara sa inaasahan ng mga oil industry players.
Nito lamang nakaraang linggo, nagpatupad ng P11.45 bawas-presyo sa kada litro ng diesel, P5.45 sa gasolina, at P8.55 sa kerosene ng mga kumpanya ng langis sa bansa.
Sa datos ng DOE, ang narurang rollback ay ang kauna-unahan ngayong taon.