PANSAMANTALANG ipinagbabawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga domestic at wild na ibon, gayundin ang mga produkto ng manok mula sa apat na estado ng US Illinois, Minnesota, Ohio, at Wisconsin dahil sa isang avian influenza outbreak.
Naglabas si Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ng Memorandum Order (MO) 11, na nag-uutos sa Bureau of Animal Industry (BAI) na suspendihin ang pagproseso at pag-iisyu ng mga sanitary at phytosanitary import clearance para sa mga domestic at wild bird, poultry meat, day-old chicks, itlog, at semilya mula sa mga apektadong estado.
Ito ay kasunod ng isang ulat mula sa deputy administrator at chief veterinary officer ng US Animal and Plant Health Inspection Service, na noong Pebrero 3 na nagkumpirma ng ilang paglaganap ng H5N1 high pathogenicity avian influenza sa Illinois, Minnesota, Ohio, at Wisconsin.
Gayunpaman , pinahihintulutan ng MO 11 ang pagpasok ng mga kargamento na nasa transit na, na-load, at tinanggap sa daungan na mga produkto na kinatay o ginawa 14 na araw bago nangyari ang mga unang paglaganap noong Nobyembre 14 sa Illinois, Nobyembre 26 sa Minnesota, Disyembre 10 sa Wisconsin, at Disyembre 13 sa Ohio.
Matatandaan ang pag-ban sa Minnesota ay inalis lamang noong Nobyembre habang ang pansamantalang pag- ban naman sa Ohio ay inalis noong Hunyo.
