NANAWAGAN si Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ng patas na pagtrato sa isinasagawang imbestigasyon laban sa kanya, kasunod ng umano’y paggamit ng Office of the Ombudsman sa mga testigong dati nang pinabulaanan at sinampahan ng kaso.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Romualdez na ang mga testigong ginagamit laban sa kanya ay mismong na-discredit na umano ng Ombudsman at Department of Justice (DOJ), at kasalukuyan pang nahaharap sa kasong cyberlibel at perjury.
“Pantay na hustisya lamang ang hinihingi ko,” ani Romualdez.
Kinuwestiyon din niya ang patas na pagtakbo ng imbestigasyon dahil, aniya, ginagamit pa rin ang mga testigong ibinasura na upang idiin siya.
Sa kabila nito, tiniyak ni Romualdez na hindi siya uurong sa laban at patuloy niyang ipaglalaban ang aniya’y tama.
“Hindi ako uurong sa laban na ito. Hindi ako matitinag. Gawin natin ang tama,” dagdag niya.
