May 24, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pares ni Tita Becky ng Calamba City

Ang mga pinoy ay mahilig sa streetfoods,kahit saang lugar man tumingin  ay nagkalat ang mga pagkaing masasarap na lutong pinoy.Sa murang halaga nito ay tiyak na mabubusog ang ating kumakalam na sikmura .Ang pang masang mga pagkain kahit saang  lugar sa kalsada ay  matatagpuan .Maaaring kumain rito  ang ibat-ibang uri  ng tao,mayaman man o mahirap.

 Isa sa pagkaing matatagpuan sa kalsada ay ang PARES ,na ang ibig sabihin ay  PAIR .Dahil ang pang masang presyo ng sinabawang espesyal na baka  ay may kapares pang garlic fried rice.

Makikita natin ang ating  ilang kababayan na talagang pinipilahan ito o blockbuster sa kalsada  bukod sa mura na ,masarap pa at higit sa lahat pampalakas pa  ng katawan.

Orihinal itong na-imbentong ng mga Pinoy na sadyang maipagmamalaki ,dahil sa tamang-tamang  timplang manamis-namis at  may aromatic na amoy pa ng star anise at dahong sibuyas .Sa sinabawang pinalapot ilalagay ito sa pinalambot na baka.

Isang simple mang putahe ay may kanya-kanyang version naman tayo lalo na ang mga mahilig magluto.Isa na si Becky Ustaris na nasa edad 73 anyos.Kinahiligan na niya ang pagluluto mula noong pang kabataan niya kaya naman nagtayo siya ng catering services.Noong una ay napakalaki ang naging kanyang puhunan roon na umabot sa higit 200,000 pesos dahil sa mga gamit pa lamang ay talaga namang dapat na seryosohin at palaguin ang negosyo.

Nang lumaon ay nagsawa na si Tita Becky na mag-catering kaya naman ibinenta niya ang lahat ng kanyang naipundar na kagamitan upang pumasok sa panibagong negosyo. Hindi siya nagdalawang isip na mag-umpisa ng kainang PARES at tinawag niya itong Pares ni  Tita Becky.

Ang perang napagbentahan ay kanyang ipinuhunan  sa Tiangge sa Plaza ng Calamba .Kumuha siya ng pwesto upang doon ay magtinda ng sari-saring pagkain tulad ng beef pares,beef toppings at beef noodles sa halagang 79 pesos kada order.Sinamahan pa niya ito ng ibang mga produkto tulad ng Glazed Crispy Pork  at Buffalo Wings na may Java Rice sa halagang 99 pesos.

Ang kanyang naging katuwang sa paghahanap-buhay ay kanyang pamilya at ilang kabataang estudyante na kasama sa kanilang Christian Church.Habang ang mga batang ito ay nag-aaral s aumaga,sa pagsapit naman ng gabi ay doon na sa tindahan tumutulong kay Tita Becky na kanya namang sinuswelduhan ng 300 hanggang 500 pesos kada araw bukod pa ang libreng pagkain.

Isang malaking tulong ito sa mga kabataan na nagnanais tumulong sa kanilang pamilya habang tayo ay dumaranas ng krisis dahil sa pandemya.

Kasama ito sa adhikain ni Tita Becky ang tumulong sa kanyang kapwa ang makapagbigay ng hanap-buhay .Hindi naging sagabal sa kanya ang corona virus ,para sa kanya ay tuloy ang pagsisikap  at paghahanap-buhay upang makaraos sa araw-araw.Basta samahan lamang ng panalangin ang matibay na  paniniwala sa diyos na tayo ay poprorotektahan nito at ililigtas sa sakit.