June 17, 2024

The Insider News

Direct from the source

Pasahero ng eruplano na nag ‘bomb joke’ sa Davao airport, ikinulong

Ni Alex dela Cruz

BAGSAK sa kulungan at hindi na nakalipad patungong Singapore ang isang 42-anyos napasahero ng eruplano sa Davao International Airport nitong nakaraang Biyernes.

Ayon sa Philippine National Police Aviation Security Group (AVSEGROUP), nagbiro ang suspek ng tanungin ito sa check-in counter kung ano ang laman ng kanyang bagahe.

Sinagot ito ng pasaherong lalaking na walang namang mahalagang bagay na laman ang kanyang bagahe  kung hindi  bomba lamang.

Agad na hinold ng airport police ang pasahero at ang kanyang bagahe upang suriin itong mabuti.

Nang siyasatin ang bagahe ay wala namang nakuha ang mga awtoridad na kahit anong pampasabog.

Hindi rin agad pinakawalan ang suspek at agad na ikinulong sa himpilan ng pulisya.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa PD 1727 o bomb joke  law  ang suspek na may multang 40,000 at kung mapatunayan ay hahantong sa 5 taong pagkakakulong .