SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay hihingi ng clemency para kay Mary Jane Veloso kay Indonesian President Joko Widodo, “gaya ng laging ginagawa” ayon sa tagapagsalita ng Malakanyang na si Atty. Cheloy Garafil .
Si Widodo ay nasa Pilipinas para sa isang tatlong-araw na opisyal na pagbisita.
Si Veloso ay nailigtas mula sa parusang kamatayan noong 2015 sa kahilingan ni dating Pangulong Benigno Aquino III bagamat siya ay na-convict sa pagmamay-ari ng ilegal na droga.
Ito ay matapos niyang pangakuan na tumestigo siya sa kaso ng human trafficking laban sa recruiter na nagdala sa kanya sa Indonesia para sa trabaho.
Unang sinabi ni Veloso na ang mga bag na may ilegal na droga, na dala niya nang siya ay naaresto, na ibinigay sa kanya ng mga recruiter.
Noong Mayo 2023, hiningi rin ni Marcos kay Widodo na muling tingnan ang kaso ni Veloso.